Bob Ong Trivia
Posted by petitay at 01:04 AM on January 9, 2009 in Random Thoughts, Daily Rantz, Stories, Bob Ong.
Dahil sa kahiligan kong magbrowse ng mga blog ng may blog. May na discover na pala akong isa na hindi ko akalaing magiging sikat. Ito ang blog na “bobong pinoy” isa lang itong blog site dati na ordinaryo na pwedeng mabasa ng kahit na sino lang basta may internet connection ka. Habang binabasa ko dati yung blog na toh masyado akong nakakarelate sa mga nakasulat. Pero hindi ako naging panatiko masyado ng blog na yun. Normally kasi kung nababrowse ako na blog site mga 2 to 3 times ko lang yun papasukin. Eh dahil busy sa school noong panahong yon hindi ko na nagawang balik balikan ang blog site na yon. Hanggang nawala na sa utak ko yung link niya. Pero syempre may mga muntik mga detalye na maalala.
Last 2007 nabalitaan ko ang isang libro na ABNKKBSNPLAKO... blah blah.. bakit baligtad magbasa ng libro ang pinoy. at iba pa.. isang pangalan lang ang sinasabi nila.. Libro daw yun ni Bob Ong.. Hanggang sa nacurious nanaman ang lola niyo. Hinanap ko kung may except siya sa internet. Meron nga! Habang nagbabasa nung isang except ng libro niya. May biglang nalang natanaw ang mata ko. Hindi ko makakalimutan yun.. Mga puting cotton buds na hilehilera at naka-angat sa iba ung isa.. Nasabi ko na lang ito yung dating blog na nakita ko na.. nakalagay pa nga dun sa blog na yun dun sa title niya "angat sa iba" dahil yung cotton buds na logo niya naka angat yung isa dun at may smiley face pa nga yung mga yun.
Naisip ko lang sana pinagka-interesan ko na lang basahin yung blog na yun. Dahil sa tingin ko lahat ng mga na isulat ni Bob Ong eh andun na. Talaga nga naman nasa huli ang pagsisi. Ngayon pag pumunta ka sa blog site na yun wala ka na gaano mababasa. Mga kung ano ano na lang.. Pinopromote na lang yung libro ni Bob Ong.. Sabi nila hindi lang daw isang tao si Bob Ong I agree with that. Dahil sa blog na nabasa ko dati hindi nga lang isang tao ang mga nagkukwento.
For BOB ONG- who ever you are saludo ako sayo grabe. I love your book. I love the way you think. Ibang klase.
"ANGAT TALAGA KAYO SA IBA" more power guys!!!

(